Natatanging Ama 2014



NATATANGING AMA 2014

ANG NATATANGING AMA NG AMING BARANGAY CUPANG PROPER 2014 AY BUNSONG ANAK NINA G. ROMUALDO TEJADA AT GNG. JOSEFA T. ARANAS. SILA AY TATLONG MAGKAKAPATID NA PURO LALAKI. ANG DALAWA NIYANG KAPATID AY SINA ERNESTO AT ROLANDO TEJADA. IPINANGANAK NOONG FEBRUARY 5, 1951, NAGTAPOS NG ELEMENTARYA SA CUPANG ELEMENTARY SCHOOL BILANG SECOND HONOR SA SEKONDARYA SA TOMAS DEL ROSARIO ACADEMY SIYA NAGTAPOS. NOONG SECOND YEAR SIYA AY NAGKAMIT NG SECOND HONORABLE MENTION AT THIRD HONORABLE MENTION NOONG SIYA AY NAGTAPOS NG 4TH YEAR HIGHSCHOOL. SIYA AY NAGKOLEHIYO SA SAINT LOUIE UNIVERSITY BAGUIO CITY. NOONG 1969-1970 ISA SIYA SA MGA RECIPIENT NG LEE SIN SCHOLARSHIP, 1970 RIN SIYA GINAWARAN NG HUMANITARIAN AWARD MULA SA JACEES BAGUIO. DAHIL SA PAGTULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYO AT ULAN. SA PANAHON NG NAG-AARAL SA KOLEHIYO NAGING MIYEMBRO SIYA SA MGA PRESTIHIYOSONG SAMAHAN. NAGTAPOS SIYA NG BS IN MECHANICAL ENGINEERING NOONG MARCH 9, 1975 NAGING GANAP NA ENGINEER NOONG 1977.  PAGKA GRADUATE SIYA AY NAGTRABAHO SA U.S NAVY PUBLIC WORK CENTER. 1997 NG SIYA AY NAGSIMULANG MAGTRABAHO SA BRC. SA PANAHONG SIYA AY PUMAPASOK SA BRC AY NAKILALA NIYA SI DULCE MATEO NA TUBONG ORION, BATAAN ISANG GURO SA DAANG PARI ELEMENTARY SCHOOL, NAGTAPOS SA NTC (NATIONAL TEACHER COLLEGE MANILA). KUNG SILANG  MAGKAKAPATID AY PURO LALAKI SILA NAMAN NI DULCE AY BINIYAYAAN NG TATLONG ANAK NA BABAE. SI MARY JOY ANG PANGANAY, NAGTAPOS NG HRM SA ASIA PACIFIC COLLEGE AT KASALUKUYANG NAGTATRABAHO SA ISANG LENDING INVESTMENT COMPANY. ANG PANGALAWA AY SI MA. CORAZON ISANG REGISTERED NURSE, NAGTAPOS SA ASIA PACIFIC COLLEGE. AT SI MARY ROSE ANG BUNSO AY SECOND YEAR COLLEGE SA LETRAN BATAAN SA KURSONG BS ACCOUNTANCY. SIYA AY NAGING DALAWANG BESES NAGING BOARD OF DIRECTOR NG PSME (PHIL. SOCIETY OF MECHANICAL ENGINEER) (BATAAN CHAPTER) AT NGAYON AY LIFETIME MEMBER SIYA NITO. MEMBER NG KNIGHTS OF COLUMBUS, NAHIRANG NA PANGULO NG PASTORAL COUNCIL NG CUPANG AT KASALUKUYANG MIYEMBRO NG EXTRA ORDINARY LAY MINISTRY FOR THE EUCHARIST. DAHIL SA TAGLAY NA TALINO AT DEDIKASYON SA TRABAHO SIYA AY KINUHANG MULI NG PETRON O DATING (BRC) BILANG CONSULTANT MULA 2011 NOONG SIYA AY MAGRETIRO HANGGANG SA KASALUKUYAN.

            MARAMING NATULUNGAN, KAPAMILYA, KAPUSO, KATRABAHO AT KABARANGAY. LIKAS NA MABAIT AT MALAPIT SA PANGINOONG DIYOS ANG NATATANGING AMA NG BARANGAY CUPANG PROPER 2014, ENG.  ROGELIO “ROGER” ARANAS TEJADA.


PERSONAL PROFILE


Name:                        Rogelio A. Tejada  - “Bunsong Anak”

Birthday:                    February 5, 1951

Place of Birth:             Jaena St., Cupang Proper, balanga City

Name of Parents:         Romualdo A. Tejada

                                Josefa T. Aranas

 

Mga Kapatid:             Ernesto A. Tejada      -           October 17, 1945

                              Rolando A. Tejada     -           September 30, 1946

                              Rogelio A. Tejada       -           February 5, 1951

 

Panagalan ng asawa:            Dulce V. Mateo          -           March 11, 1955       

 

Nagtapos si Rogelio A. Tejada sa St. Louis University (SLU) Baguio noong 1975  ng  kursong  Mechanical Engineering. Naging Engineer siya noong 1976 at nagsimulang magtrabaho sa Petron noong 1977.

 

Nagtapos si Dulce M. Tejada asawa ni Rogelio A. Tejada sa National Teachers College of Manila (NTC Manila) ng kursong BSED noong 1978. Nagturo bilang Probationary Teacher sa Orion Elementary School at nagging permanenteng guro sa Daan Pare Elementary School sa kategoriyang  Teacher I.

 

Nagtapos ang kanyang mga anak sa mga kursong sumusunod:

1.      HRM sa Asia Pacific College

2.      BSN sa  Asia Pacific College

3.      Ang bunso naman ay 2nd year college sa Letran Abucay Bataan na may kursong Bachelor of Science in Accountancy.

 

           Nagkaron ng Award ang kanyang mga anak.

a.      Tumanggap ng Karangalang Banggit sa kursong BSN (Nursing) si Maria Corazon Tejada

b.    Tumanggap din ng Karangalang Bangit noong High School sa Bataan Montessori School, Central, Balanga City, Bataan ang kanyang bunsong anak.

 

MGA NAGING KARANASAN TUNGO SA TAGUMPAY NI G. ROGELIO A. TEJADA”

 

Tumanggap din siya ng Humiration Award mula sa Joycess sa Baguio dahil sa pagtulong sa mga nasasalanta ng bagyo at pag-ulan noong 1970.

 

Nagtarabaho bilang Equipment Engineer noong 1981 hanggang 2011.

 

Nakapagpatayo ng 4 na unit na apartment bilang dagdag sa kanilang kinikita sa tabi ng kanyang sariling tahanan.

 

Sumuporta sa mga kabataan sa larangan ng palakasan.

 

Nakikiisa sa katahimikan ng barangay.

 

Nakapagbigay ng financial na tulong sa pag-aaral ng 3 pamangkin upang maging ganap na may kahandaan sa hinaharap ang isa ay manager na ng Metro bank, ang isa ay isa ng ganap na Engineer sa Qatar.

 

PSME- lifetime membership.

 

Bilang isang Trainor ay nakapag turo siya ng Tamang kasanayan sa Petron Bataan bilang employer na humigit kumulang sa 100 na katao.

 

Kinilala siya ng Petron Bataan bilang isang napakahalagang haligi sa nasabing kompanya sa kadahilanan ng kanyang kasanayan, talino at pagiging matapat sa pinaglilingkurang kompanya.

 

 

 

 

 

               

 


Comments